GINULAT ni Nadine Lustre ang kanyang fans nang i-post niya ang picture na naka-two-pice swimsuit siya habang nasa beach sa San Juan, La Union.

Hindi inakala ng fans ng aktres na maganda ang kanyang katawan at fit para magsuot ng two-piece.

Marami ang humanga at nabighani sa picture na ipinost ni Nadine dahil after 24 hours ay umabot na ang likes nito sa 255,015. Kabilang sa mga nag-like sina Kris Aquino at Direk Tonet Jadaone.

Sayang lang at in-off ni Nadine ang comments, wala tuloy makapag-comment. Hinihintay din ng fans ang comment ng boyfriend niyang si James Reid. (Nitz Miralles)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter