CABANATUAN CITY — Tuwang-tuwa ang mga opisyal at kawani ng Kapitolyo ng Nueva Ecija matapos nilang matanggap ang kanilang year-end bonus at cash gift.

Ayon sa tala ng Provincial Treasurer’s Office, naibigay ang inaasam dagdag na benepisyo makaraang maglaan ang Kapitolyo ng P54,393,011.50 para sa 13th month pay at cash gift ng mga empleyado.

P5,000 naman ang inihabol bago ang Kapaskuhan para sa Performance Enhancement Incentives (PEI) sa mahigit 2,000 permanent employees ng lokal na pamahalaan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!