Antonio Guterres

UNITED NATIONS (AFP) – Nagbabala si bagong United Nations chief Antonio Guterres noong Martes na nahaharap ang pandaigdigang samahan sa mapanghamong panahon at humiling ng suporta para sa mga ipatutupad na pagbabago.

Bago simulan ang kanyang unang araw ng trabaho sa UN headquarters sa New York, kinausap ni Guterres, pumalit kay Ban Ki-moon bilang secretary-general noong Enero 1, ang mga staff at diplomat na kailangang ireporma ang pandaigdigang samahan.

“I think it is useful to say there are no miracles,” aniya. “I am sure I am not a miracle maker.”

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Ang pagkakahalal kay Guterres – na ipinaglaban ang karapatan ng mga migrante bilang UN High Commissioner for Refugees sa loob ng isang dekada – ay muling nagbigay sigla sa mga UN diplomat na itinuturing ng bihasang pulitiko na kayang malagpasan ang pagkakahati-hati na pumipilay sa 193-nasyon.

Sa kanyang talumpati sa mga tauhan, binigyang-diin ni Guterres ang mga krisis sa mundo na kailangang harapin ng UN upang maisulong ang kapayapaan.

“We are facing very challenging times. We see everywhere in the world conflicts that multiply and are interlinked and have triggered this new phenomenon of global terrorism,” aniya.

Ayon kay Guterres marami pa ang dapat gawin ng UN upang maiwasan ang gulo at masolusyunan ang problema sa Syria.

“We need to be able to recognize our shortcomings, our failures,” sinabi ng dating Portuguese prime minister sa daan-daang nagtipon para sa kanyang talumpati.

“The only way we can achieve our goals is to really work together as a team and serve the values enshrined in the Charter and that unite humanity,” aniya.