Apat na katao ang napatay matapos lusubin ng armadong grupo ang Cotabato District Jail sa Kidapawan City, North Cotabato, at pumuga ang humigit kumulang na 158 preso kahapon ng madaling araw.

Isa sa mga namatay ay jail guard at ang tatlo ay mga preso, ayon sa mga ulat.

Sinasabing ang mga sumalakay sa kulungan ay pinamumunuan ni Kumander Derby, isang kilalang lider ng mga rebelde sa Cotabato.

Nagsimula ang pagsalakay dakong 1:00 ng umaga, sa gitna ng isang brownout na lugar, base sa mga report.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Sinabi Cotabato Jail Warden Supt. Peter Bungat na pinaputukan ng mga lumusob ang mga jailguard habang pinapasok ang piitan.

Nang nasa loob na ang mga tauhan ni Kumander Derby, na sinasabing umabot sa 100, ay binuksan nila ang mga selda at pinakawalan ang mga bilanggo.

Mabilis na rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya na nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde ng mahigit isang oras.

Umatras ang grupo ng Kumander Derby nang kanyunin sila ng mga sundalo gamit ang mga 105mm howitzer.

Isa sa mga pumuga, si Jason Angkanan, ay nadakip ng mga barangay tanod ng Amas, Kidapawan City.

Kinuwento ng Angkanan na nagising siya kanyang selda ng sunud-sunod na putok. Narining niya ang ilang preso na lumabas sila ng custodial facility building dahil susunugin ito ng mga sumalakay.

Sinabi ni Angkanan na inakyat niya at ng ilang preso ang pader ng bilangguan gamit ang isang hagdan.

(Fer Taboy at Chito A. Chavez)