NAGKABALIKAN ba sina Vin Abrenica at Sophie Albert o hindi naman talaga sila nag-break kundi gimik lang?
Naitanong namin ito dahil may bagong picture ang dalawa na magkasama at tila kuha noong nakaraang New Year’s Eve at parang sa bahay nina Sophie dahil may hawak silang tig-isang aso.
Pareho nang nasa ABS-CBN sina Vin at Sophie, hindi na sila mahihirapan kahit aminin nila ang kanilang relasyon.
Walang ka-love team na bini-build-up para kay Vin at ganoon din siguro si Sophie.
Puwede pa ring magpatuloy ang kanilang love team kahit umalis na siya sa TV5 at tiyak na matutuwa ang kanilang SoVin fans.
May teleserye na si Vin sa ABS-CBN at may pelikula na sa Star Cinema at showing na nga sa January 11, ang Extra Sevice.
Susunod na sigurong magkakaroon ng regular show sa Kapamilya Network si Sophie pati pelikula sa Star Cinema.
(Nitz Miralles)