KALIBO, Aklan — Apat ang sugatan sa walang habas na pananaga sa Purok 4 C. Laserna Street, Kalibo, Linggo ng gabi.

Kinumpirma na isa sa mga sugatan ay kinilalang si Ruben Inaudito, volleyball player ng Philippine Air Force at dating miyembro ng National University Bulldogs.

Ayon kay Rolyn Inaudito, isa sa mga testigo, sakay ng tricycle si Jonel Renacido nang magsimula siyang managa.

Sinubukan ni Inaudito na awatin si Renacido pero pati siya ay pinagbalingan nito

Kinilala pa ang tatlong biktima na sina Leander Ylanan, Roland Inaudito at Bobby Francisco.

Probinsya

DepEd Regional Office III, iimbestigahan alegasyon ng plagiarism sa RSPC 2026

Iniimbestigahan ngayon si Renacido. (Jun N. Aguirre)