PAVIA, Iloilo - Patay ang isang Hungarian matapos siyang pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Avida Village sa Barangay Balabag Pavia, Iloilo, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Melczer Daniel, 37 anyos. Ang bumaril sa kanya, si Lucendo Lim, 43, ay nakapiit ngayon sa police station.

May tama ng bala ang biktima sa ulo at tainga, ayon sa imbestigasyon.

Nagtatalo umano si Daniel at Lim bago naganap ang pamamaril.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Sinipa umano ni Daniel si Lim kaya pinaputukan siya ng .9mm pistol.

Nabatid ng pulisya na dalawang taon nang naninirahan ang Hungarian sa bansa. (Fer Taboy)