SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija — Isang 78-anyos na biyudong lalaki ang namatay matapos na mahagip at makaladkad ng motorsiklo sa Barangay Mapangpang sa lungsod na ito noong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biyudo na si Romeo Noveras.

Grabe naman ang tinamong sugat ng driver ng motorsiklo na si Eduardo Orquiola ng Brgy. Nampalcan, Umingan, Pangasinan.

Patungong public market si Orquiola nang mawalan ng kontrol sa manibela mahagip ang tumatawid na matanda.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ni Orquiola na inihain ng pulisya sa Prosecutors’ Office. (Light A. Nolasco)