BERLIN (AP) — Kinumpirma ng German police ang pagkakaaresto sa lalaking nagsisisigaw ng “bomb, bomb, bomb” sa isang open-air New Year’s party sa Berlin.

Gamit ang hashtag na “#nichtlustig” — na nangangahulugan na “not funny” — nag-tweet ang Berlin police nitong Sabado na ang hindi pa pinangangalanang lalaki “is now celebrating #Welcome2017 with us.”

Libu-libong katao ang nagdiriwang ng Bagong Taon malapit sa Brandenburg Gate ng Berlin sa gitna ng mahigpit na seguridad.

Naglalakihang konkretong barikada ang inilagay sa paligid ng security cordon upang maiwasang maulit ang truck attack na kumitil sa 12 katao sa Berlin bago sumapit ang Pasko.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa