Napipinto na naman ang isang oil price hike ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya, posibleng tumaas ng 40 hanggang 60 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Ito ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Magpapatupad din ng big time price increase sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya anumang araw ngayong linggo.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Maaari umanong tumaas sa P3.60 hanggang P4.80 ang presyo ng kada kilo ng LPG katumbas ng P39.60 hanggang P52.80 na dagdag-presyo sa bawat 11-kilo na tangke. (Bella Gamotea)