Enero 2, 2009 nang matagpuan sa garahe ng isang British doctor ang bibihirang unrestored 1937 Bugatti Type 57S Atalante Coupe.
Ang black two-seater, binuo noong Mayo 1937, ay isa lamang sa 17 57S Atalante Coupe na gawa ng Bugatti. Ito ay pagmamay-ari ng English orthopedic surgeon Harold Carr simula noong 1955. Si Carr ay pumanaw noong 2007 at naiulat na nagtatago ng bibihirang behikulo sa kanyang garahe simula noong unang bahagi ng 1960s at hindi minamaneho sa loob ng limang dekada. Ito ay orihinal na pag-aari ni Francis Richard Henry Penn Curzon, ang ika-5 Earl Howe.
Makalipas ang halos mahigit isang buwan, Pebrero 7, 2009, ibinenta ang sasakyan sa Paris auction sa halagang $4.4 million.