Nilinaw kahapon ng Department of Health (DoH) na hindi makatutulong sa paggamot sa firecracker-related injuries ang toothpaste o lotion, na karaniwang ginagamit ng mga nagtamo ng sugat o paso dahil sa paputok.

Ito ang ipinaalala kahapon ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DoH, ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon na nakaugalian na ang pagpapaputok upang itaboy ang mga kamalasan ng katatapos na taon.

Kapag nasugatan sa paputok, sinabi ni Tayag na dapat na hugasan ang sugat ng sabon at maligamgam na tubig bago magpunta sa doktor.

Babala ni Tayag, ang sugat na nakukuha sa paputok, kahit maliit lamang, ay delikado sa tetano kaya hindi tamang ipagwalang-bahala lang ito.

Nagpahayag naman kahapon ng kumpiyansa si Tayag na mas kakaunti na ang maitatalang firecracker-related injuries dahil marami na ang naghahanap ng alternatibong paraan upang makapag-ingay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

National

Anna Mae, humakot ng karangalan sa Oxford

Mananatiling naka-code white alert ang DoH hanggang sa Enero 5. (Mary Ann Santiago)