Binabalak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magtalaga ng mga special lane sa EDSA at iba pang mga pangunahing lansangan para sa fire trucks at iba pang emergency vehicles sa first quarter ng 2017.

Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, dapat tuloy-tuloy na makadaan ang mga fire truck at ambulansya sa mga kalsada upang mabilis na makapagresponde sa mga oras ng pangangailangan.

“We assure that the MMDA will be able to provide our riders, through the assistance of our Metrobase, to help them pass through these special lanes. We will inform traffic enforcers that a certain emergency incident is happening,” sabi ni Orbos sa panayam ng mga mamamahayag.

Bibigyan ng MMDA ng accreditation ang mga emergency vehicle na ito.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Nilinaw ng MMDA chief na ang mga special lane ay hindi mga VIP lane at ito ay para matiyak na hindi magiging sagabal ang trapiko sa mga sasakyan na nagkakaloob ng medical, rescue at iba pang emergency services.

“We would like to reiterate that these special lanes must not be abused and must be utilized for truly emergency purposes,” aniya.

Magtatalaga rin ang ahensiya ng towing trucks upang maalis ang mga nakaharang, gaya ng mga sasakyang ilegal na nakaparada, sa daan patungo sa residential communities kung saan mayroong emergency. (PNA)