Nananalangin ang isang opisyal ng Quiapo Church para sa isang mapayapang traslacion sa Enero 9, ang Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno.

Ang “traslacion” o prusisyon ay isang paggunita sa paglilipat sa milagrosong imahen patungo sa Quiapo Church.

Umapela rin si Msgr. Hernando “Ding” Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), sa mga deboto na mag-alay ng dasal para maging maayos at payapa ang traslacion sa susunod na Lunes.

“Please pray also for a peaceful traslacion,” aniya.

National

Sa kalagitnaan ng pagkahimatay: Medialdea, si FPRRD pa rin iniisip

Ilang araw bago ang taunang traslacion, nagsagawa kahapon ng prusisyon ng pasasalamat para sa imahen ng Poong Nazareno.

“This is being done at the end of the year to give thanks to God,” paliwanag ni Coronel.

Karaniwan nang umaabot ng milyon ang mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nakikibahagi sa traslacion tuwing Enero 9, bilang pasasalamat sa mga milagro at biyayang hatid ng Mahal na Poong Nazareno.

Nagsimula na rin kahapon ang mga Novena Mass para sa Poong Nazareno na tatagal hanggang sa Enero 8, bisperas ng pista. (Leslie Ann G. Aquino)