Ipinasa ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagpapahintulot sa piling high school graduates, partikular ang Home Economics graduates, na magturo ng nabanggit na subject sa mga pampubliko at pribadong high school bagamat may itinakdang requirement ang Department of Education (DepEd) at ang Civil Service Commission (CSC).
Inaprubahan ng Kamara bago nag-adjourn ang Kongreso ang House Bill 416 ni Sorsogon Rep. Evelina G. Escudero, chairperson ng House committee on basic education and culture, na layuning solusyunan ang karagdagang guro na kailangan para magturo ng tech-voc subjects, alinsunod sa K to 12. (Bert de Guzman)