Sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, tiyak na mayroon na naman tayong mahabang listahan ng New Year’s Resolution.

Inilista ng Balita ang limang pangunahing New Year’s Resolution na halos laging taunang tinatarget ng mga Pinoy tuwing sasapit ang Bagong Taon, at ilang tips para totoong maisakatuparan ang mga ito.

1. Pagbabawas ng timbang. “Kapag ako pumayat, who you ka sa ‘kin!” Ito ang nakatatawang sinasabi ng mga nais magpapayat. Mas magiging mabuti kung magsisimula ka batay sa pisikal na lakas mo. Huwag biglain ang katawan at magsimula sa limang-minutong ehersisyo hanggang maging tuluy-tuloy ito. Sabi nga ni John Maxwell, it takes 21 days to make it a habit. Kaya dapat magtuluy-tuloy ito hanggang makasanayan mo nang mag-exercise at kaya mo nang kontrolin ang pagkain mo.

2. Mag-ipon ng pera. Wala sa laki o liit ng pera ang pag-iipon. Ang pinakamahalaga ay ang pagkakaroon ng disiplina at pagtupad sa commitment sa kung magkano ang itatabi mo kada araw o linggo. Ibatay sa buwanang kita kung magkano ang kaya mong ipunin.

National

'Duterte o Marcos?' Sen. Imee, natanong kung kanino siya pumapanig

3. Hindi na male-late. Kahit kilala tayo sa “Filipino time”, hindi ito sapat na rason para lagi tayong ma-late.

Kailangan din dito ng disiplina. Ugaliing maging maaga ng 10 minuto sa pupuntahan. Magkaroon ng sleeping pattern para masanay ang katawan na gumising nang maaga.

4. Titigil na sa bisyo. Isipin ang masamang epekto nito sa katawan mo at sa sarili mo sa darating na panahon.

Maaaring wala ka pang nararamdaman ngayon dahil bata o malakas ka pa, pero paano kapag siningil ka na nito ilang taon mula ngayon? Humingi ka ng tulong sa mga kaibigan mo para mabantayan ka nila. Puwede ring maglaro ng sports na interes mo para mawala ang atensiyon mo sa bisyo.

5. Babawasan na ang paggamit ng social media. Malubhang distraction ito sa productivity kung sosobrahan. Magtakda ng oras para mamahinga rito. I-challenge ang sarili na hindi gumamit ng social media nang ilang araw o isang linggo hanggang sa makasanayan na.

Kung nais mo talagang maisakatuparan ang New Year’s Resolution mo para sa 2017, kailanganng isapuso mo ito. Magkaroon ng vision at alamin kung bakit at para kanino mo nga ba ginagawa ito. (Airamae A. Guerrero)