winnie-at-sen-pacquiao-copy

SA programang Bawal Ang Pasaway ni Winnie Monsod ng GMA-7, idineklara ni Sen. Manny Pacquiao na tatlong bilyong piso na ang total na kayamanan niya.

Tiniyak ng boxing champ na lalaki pang lalo ang kanyang worth sa 2017.

May mga kasamahan kaming manunulat na naniniwala sa pahayag ni Pacquiao pero mas nakakarami ang nagdududa dahil mas higit pa raw diyan ang kabuuang pag-aari ni Pacman.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Sa totoo lang naman kasi, sa mga bahay pa lamang na pag-aari niya -- at bukod pa raw ‘yung mga nakapangalan sa asawang si Jinkee at sa ilang malapit na mga kamag-anak – ay aabot na sa bilyun-bilyon ang halaga kung susumahin.

Oo nga naman, may mga bahay sila sa America, meron sa Forbes Park, sa Laguna, sa General Santos, sa Boracay, at sa iba’t iba pang lugar.

Kuwento sa amin ng isa naming katoto, may subdibisyon nang pagmamay-ari si Sen. Pacquiao bukod pa sa mga libreng pabahay sa mga kababayan niya sa General Santos City.

Walang dudang sa properties pa lang ay si Sen. Pacquiao na nga pinakamayamang atleta o pulitiko sa Pilipinas at maaring ka-level na niya ang mga Villar, Marcos at Enrile.

Samantala, inamin din ni Pacman kay Mareng Winnie na gumamit din siya ng marijuana at shabu pero noon pa raw ‘yun. Ibinabahagi raw niya ito sa lahat dahil alam niya kung ano ang epekto sa katawan ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi rin itinanggi ng senador na hindi lang drugs ang sinubukan niya noon, dahil nalulong din siya sa sugal at sa pambababae.

Binanggit pa ni Manny na sa labing-isang taon nilang pagsasama ni Jinkee ay never siyang naging faithful. Pero ngayong nagbalik-loob na siya sa Diyos ay naging maayos na ang pagsasama nila. (JIMI ESCALA)