July 19, 2026

Home BALITA

Philippine Eagle na kinuyog ng mga unggoy, pumanaw na!

Philippine Eagle na kinuyog ng mga unggoy, pumanaw na!
Photo courtesy: Philippine Eagle Foundation/FB

Pumanaw na ang Philippine Eagle na si Sawaga-Dalwangan habang sumasailalim sa rehabilitasyon sa Philippine Eagle Center, ayon sa inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF).

Sa inilabas na pahayag ng PEF nitong Sabado, Hulyo 18, 2026, sinabi ng foundation na nagpakita pa umano ng positibong pagbuti ang kalagayan ng agila matapos itong mailigtas. Naging mas malakas at mas alerto ito, nakakakain nang mag-isa, at maayos na tumutugon sa mga isinagawang gamutan.

Gayunman, bigla umanong nakaranas ng matinding komplikasyon ang agila na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon sa Philippine Eagle Foundation, “After her rescue, she showed real signs of improvement. She became stronger and more alert, ate on her own, and responded well to treatment. These observations were the basis of our earlier recovery updates. Sadly, she later suffered a sudden medical crisis and could not be revived.”

Isinagawa na ang paunang necropsy sa agila habang nagpapatuloy pa ang mga histopathological examination upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay nito. Inaasahang maglalabas ng kumpletong ulat ang foundation kapag natapos na ang lahat ng pagsusuri.

Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'

Nagpasalamat din ang organisasyon sa komunidad ng Daraghuyan, rescuer na si Marven Linoy at kanyang mga kasama, Department of Environment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lungsod ng Malaybalay, Provincial Zoo, mga beterinaryo, at iba pang katuwang na tumulong sa pagsagip at pag-aalaga kay Sawaga-Dalwangan.

Dagdag pa ng foundation, “We share the grief of everyone who followed her journey and hoped for her recovery. Sawaga-Dalwangan’s rescue was not in vain, and the lessons from her case will help improve the care of other Philippine Eagles.”

Matatandaang noong Hulyo 14 nang naunang naiulat ang nangyari sa nasabing agila matapos ang naging pag-atake sa kaniya ng 30 unggoy sa Bukidnon. Ilang Lumad ang nagligtas sa kaniya at agad na nadala  sa pangangalaga na ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang agila.

KAUGNAY NA BALITA: PH Eagle, nasagip matapos atakehin ng 30 unggoy!

Ang Philippine Eagle ay kabilang sa mga pinaka-nanganganib na uri ng agila sa mundo at itinuturing na pambansang ibon ng Pilipinas. 

Patuloy ang mga programa ng iba't ibang ahensya at conservation groups upang maprotektahan ang kanilang populasyon at natural na tirahan sa bansa.