IPINAGDIRIWANG ang pagsalubong sa Bagong Taon bilang pagsasara ng luma at pagbubukas ng bagong kabanata ng ating buhay, kasabay ang pasasalamat na nalagpasan natin ang lahat ng mga paghamon ng nakaraang taon.

Tatapusin ng ilang Kapuso stars na masaya ang kanilang 2016, at may kanya-kanyang silang pasabog sa pagsalubong sa 2017.

Excited si Nar Cabico, ang grand winner sa celebrity singing competition na Superstar Duets, na sumama sa taunang New Year countdown ng Kapuso Network ngayong gabi kasama ang kanyang kaibigang si Jerald Napoles.

“Excited ako kasi I’ll be spending New Year with Jerald kasi nasa New Year countdown kami ng GMA,” aniya. “So siguro after that, we’ll go get some drinks to celebrate.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Looking forward naman si Mark Herras na mag-celebrate ng New Year kasama ang kanyang pamilya.

“First time ko ngayong taon na mag-celebrate sa bahay so hopefully, I could be with my family. Bibili rin ako ng mga fireworks para maingay,” kuwento ng Sa Piling ni Nanay star.

Pinaghahandaan din ni Solenn Heussaff ang New Year celebration taun-taon.

“Our New Year’s celebration every year is a tradition. I made a reservation for a family dinner because there are only few of us here — my sister, and my parents. If there’s more time, I’ll go to my close friends. Simple lang siya pero for me, it’s grande,” pahayag ng Encantadia actress.

Excited naman lagi si Dingdong Dantes na mag-celebrate ng New Year dahil matitikman niyang muli ang specialty ng kanyang mommy.

“Sa akin, I want to spend my New Year by eating my favorite dish made by my Mom which is a potato salad,” sabi ng Alyas Robin Hood star. “Nararamdaman ko kasi ‘yung pagka-special ng pagbubukas ng taon with it.”

Samantala, ang co-star niya na si Megan Young, isang halik ang ninanais sa pagpasok ng 2017. Masayang sinabi ng beauty queen-actress na, “I hope to get a New Year’s kiss.”