noche-buena-ni-alden-copy

DREAM come true para kay Alden Richards na naipagpatayo na niya ng sariling bahay ang kanyang pamilya. At nitong nakaraang Christmas Eve, sama-sama ang kanilang buong pamilya na nagpasalamat sa lahat ng blessings na dumating sa kanila.

Hindi umalis ng bansa si Alden, para sa first Christmas nila sa kanilang bagong bahay. Kaya sama-sama sila, sina Lolo Danny at Lola Linda sa father side niya, his dad Richard Faulkerson, Sr., his Kuya RD (Richard Daniel), sisters Riza and Angel, with his cousin April Peñaranda.

Pumayag na rin si Alden na mai-feature ang kanyang bahay sa isang glossy magazine, kahit mayroon pa siyang kailangang baguhin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nagpa-interview din si Alden tungkol sa kanyang pamilya, at ito na siguro ang pinakamahabang interview sa kanya. Isa sa mga tinanong si Lola Linda, since sa Lunes, January 2, Alden will turn 25 years old na. Ano ang kahilingin ni Lola Linda, who’s 80 years old now, para sa kanyang apong si RJ (na Tisoy kung tawagin niya).

Gusto niya mag-asawa na si Alden pagtuntong sa 27 years old. Pero paano raw iyon, ang bagong henerasyon, above 30s na gustong lumagay sa tahimik?

“Paano kung mamatay na ako, hindi ko na makikita ang apo ko sa kanya,” sabi ni Lola Linda. “Kung trenta’y singko na siya mag-asawa, palagay mo mabubuhay pa ako? Abutin pa ba ako ng nubenta? Naku po, patawarin po.”

Umaasa rin si Lola na simple lang, mabait, hindi maluho, at marunong makisama ang mapapangasawa ni Alden.

“Kasi ‘yung ganda, madaling magpaganda. Sa ngayon walang pangit na babae, wala, lahat gumaganda. Pero ‘yung puso mo at ‘yung mind mo, mahirap baguhin ‘yun. Beauty is only skin-deep, ‘ika nga, ‘pag maligaya ka, naggo-glow ‘yung mata mo.”

Siyempre pa, itananong naman kay Alden ang tungkol sa relasyon nila ni Maine Mendoza.

“May time naman sa lahat ng bagay, ang hinihintay ko lang ‘yong tamang timing,” sagot ng binata. “ Kung ano na kami ni Maine – ‘yung relationship every day, every moment naman na magkasama kami, nadadagdagan naman siya.”

Sabi pa ni Alden, magpapatayo siya ng isa pang bahay, para sa sarili naman niya at sa kanyang future family.

Samantala, labis-labis ang pasasalamat ni Alden sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanyang dalawang restaurant, ang Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay at sa Scout Madrinan, Quezon City. Kasosyo niya ang mag-asawang Juris at Gemma Sembrano.

Totoo kayang may pangatlong kasunod nang branch silang bubuksan? Biro tuloy kay Alden, puwede na talaga siyang mag-asawa at tuparin ang wish ni Lola Linda. (NORA CALDERON)