May 100 batang lansangan at kanilang mga magulang ang pinasaya sa gift giving project ng Manila Police District Press Corps (MPDPC), na isinagawa sa compound ng MPD headquarters sa Ermita, Manila kahapon ng umaga. Tumanggap sila ng mga pagkain, pera at grocery bags.

Ayon kay Mer Layson, pangulo ng MPDPC, ito ang unang gift-giving project ng MPDPC, na binubuo ng mga reporter at photojournalist, mula sa iba’t ibang pahayagan, radyo at telebisyon sa bansa. (Mary Ann Santiago)

Niana Guerrero, pinaplano na ring pasukin ang showbiz?