NAPAG-ALAMAN sa bagong pag-aaral na may negatibong epekto sa kalusugan ng damdamin at pagiging kuntento sa buhay ang regular na paggamit ng social networking sites tulad ng Facebook. Bagamat hindi naman kailangang tuluyan nang huminto sa paggamit ng Facebook, kailangan lamang mabago ang social networking behavior at paminsan-minsang pagtigil sa paggamit nito. Sa ganitong paraan, maaaring sumigla ang diwa ng tao, ayon sa pag-aaral na inilathala ng Cyberpsychology. Libreng mababasa ang pag-aaral sa website ng Cyberpsychology, Behavior, and Social Networking hanggang Enero 18, 2017.

Sa artikulong The Facebook Experiment: Quitting Facebook Leads to Higher Levels of Well-Being, inilarawan ni Morten Tromholt ng University of Copenhagen sa Denmark na binigyan niya ng pretest ang mahigit 1,000 kalahok at pagkatapos ay may inatasang huminto sa paggamit at ang iba naman ay magpatuloy lamang sa karaniwang paggamit ng Facebook sa loob ng isang linggo.

Iniulat ng researcher ang negatibong epekto ng paggamit ng Facebook sa pangkalahatan ng tao, base sa pagiging kuntento sa buhay at emosyon. Pagkatapos ng isang linggong walang Facebook, ipinakita ng treatment group na mas napabuti ang kanilang pagkatao na nagkakaiba depende kung ilang oras ang inilaan ng kalahok sa Facebook at kung passive users sila o kung may kinaiinggitan silang ibang tao sa Facebook.

“Confirming previous research, this study found that ‘lurking’ on Facebook may cause negative emotions. However, on the bright side, as previous studies have shown, actively connecting with close friends, whether in real life or on Facebook, may actually increase one’s sense of well-being,” saad ni Editor-in-Chief Brenda K. Wiederhold, PhD, MBA, BCB, BCN, ng Interactive Media Institute sa San Diego, California at Virtual Reality Medical Institute sa Brussels, Belgium. (Medical News Today)
Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD