dingdong-dantes_countdown-copy-copy

PASABOG na pagbati sa 2017 ang inihahanda ng GMA Network para sa kanilang New Year Countdown bukas (Sabado, Disyembre 31) sa SM Mall of Asia (MOA), Seaside Boulevard.

Pinamagatang Lipad Sa Bagong Taon, makiisa kasama ang brightest at hottest stars ng Kapuso Network sa pagsalubong sa Bagong Taon sa pagdiriwang na punumpuno ng kasiyahan, katatawanan at makulay na fireworks display.

Pangungunahan nina Julie Anne San Jose, Andrea Torres, Betong Sumaya, at Alden Richards bilang hosts, huwag palampasin ang kakaibang gags, sketches, musical numbers at nakakaaliw na performances mula sa mga lead stars ng pinakabago at upcoming shows ng GMA ngayong 2017.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sisimulan ng Asia’s Pop Sweetheart kasama ang Kapuso boyband na One Up ang gabi ng exciting na song and dance number na magpapaindak sa mga manonood.

Masayang musical entertainment naman ang ihahatid ng Pambansang Bae kasama ang Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Hannah Precillas, Jeric Gonzales at James Wright.

Sizzling dance number naman ang ihahandog ng hottest stars ng GMA na sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Jay Arcilla, Arra San Agustin, Andrea Torres at Sanya Lopez.

Maghahatid ng kilig ang pinakabagong Kapuso heartthrobs na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner sa kanilang performance.

Hindi rin magpapahuli sina Bianca Umali, Joyce Ching, Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa paghahatid ng saya.

Performance na siksik sa katatawanan naman ang dala ng Superstar Duets grand winner na si Nar Cabico kasama sina Jerald Napoles, Nicki Balaj, Adele-lantada at Ariana Venti.

Kukumpletuhin ng Kapuso boyband na Top One Project (T.O.P.) ang gabi sa isang nakakakilig na harana.

Si Dingdong Dantes ang mangunguna sa top of the hour portion sa pamamagitan ng one-of-a-kind production. Abangan din ang engrandeng fireworks display kasabay ang malaking pagdiriwang na magaganap sa Cebu.

Makisaya kasama ang Kapuso stars sa pamamagitan ng pagpo-post ng inyong greetings at selfies gamit ang hashtag na #Kapuso2017.

End the year right kasama ang GMA Network sa Lipad Sa Bagong Taon: GMA New Year Countdown Special. Magsisimula ang live telecast ng 10:00 ng gabi hanggang to 12:30 ng umaga.