TARLAC CITY – Inabot ng ilang oras ang pagsisikip ng trapiko makaraang magkabanggaan ang isang Isuzu Elf van at isang truck tractor na ikinasawi ng isang tao at ikinasugat ng apat na iba pa sa Barangay San Rafael sa lungsod na ito, Martes ng madaling araw.
Batay sa report kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, hindi na umabot nang buhay sa Tarlac Provincial Hospital si Jacinto Hernandez, 59, driver ng van (CAN-2859), ng Bgy. Buas, Candaba, Pampanga.
Sugatan din ang mga nakasakay sa van na sina Lorenzo Sangalang, ng Bgy. Gulap, Candaba; Carlos Garcia; Arnold David, kapwa taga-Bgy. Tibag, Tarlac City, gayundin si Marilyn Garcia, dalaga, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City.
(Leandro Alborote)