ronda-copy

LOS VEGAS (AP) — Balik octagon si Ronda Rousey mula sa 13 buwang pahinga sa pakikipagtuos kay Amanda Nunes sa bantamweight title ng UFC 207 sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Ngunit, taliwas sa mga nauna niyang laban, tahimik at tila walang panahon ang dating kampeon sa pagdalo sa tradisyunal na pre-fight media conference para mag-promote ng kanyang duwelo para sa pay-per-view event sa Las Vegas.

“I really don’t know what’s going on with Ronda right now,” pahayag ni Nunes. “This whole thing, I really don’t know.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

... I think the UFC is doing it for her. I think the UFC has been doing all the promos for her. I think she can do whatever she wants.”

Itinuturing pinakasikat at pinakamabentang fighter sa kasaysayan ng MMA si Rousey at ang pagbabalik-aksiyon matapos matamo ang sopresang kabiguan kay Holly Holm ay inaasahang bubulaga sa propmosyon at hype.

Ngunit, walang pasabog na nagmula sa dating kampeon.

Mula nang matalo, umiwas sa mga sosyalan si Rousey (12-1), ngunit tinanggap ang alok na labanan si Nunes (13-4), nagwagi ng titulo nitong Hulyo.

Bunsod nang limitadong galaw ni Rousey sa promosyon, naatang sa balikat ni Nunes – itinuturing small time fighter sa kasikatan – ang gawain na ipromote ang laban kasama ang ilang fighter tulad ni men’s bantamweight champion Dominick Cruz, sasabak kontra Cody Garbrandt sa co-main event ng T-Mobile Arena.

“The UFC wants to make it easier for her, so she doesn’t feel like she’s not the champion anymore,” sambit ni Nunes.

“They want to make her feel like she’s not the second. They want to make me the second, to make her get stronger or something. I feel like they promote her, so she can be strong, like, ‘Ronda, Ronda, Ronda, Ronda.’ But she knows she’s the challenger. I’m the champion.”

Umusad ang career ni Rousey mula sa pagiging Olympic judo champion hanggang sa dominahin ang MMA kung saan naitala niya ang impresibong panalo sa UFC kabilang ang mga laban na umabot lamang ng ilang segundo.

Naging modelo si Rousey at naging paboritong cover model sa iba’t ibang prominenteng magazine. Lumabas din siya sa Hollywood at TV guesting.