Naglaan ang Iloilo Police Provincial Office (PPO) ng hindi tinukoy na halaga ng pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng pangunahing drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido.

Ayon kay Senior Supt. Harold Tuzon, director ng Iloilo PPO, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago si Prevendido sa isa sa mga bayan ng Iloilo.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng pulisya si Prevendido na mas mainam na sumuko na lang upang walang mangyaring masama sa kanya. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?