CHICAGO (Reuters) – Tinalo ni US President Barack Obama si president-elect Donald Trump bilang pinakahinahangaang lalaki ng mga Amerikano ngayong 2016, sa survey na inilabas nitong Miyerkules.

Dalawampu’t dalawang porsiyento ng mga tinanong ng Gallup ay pinili si Obama, sinusundan ng 15% na pinili si Donald Trump. Malayo si Pope Francis na pumangatlo sa 4%.

Si Hillary Clinton ang nanguna sa listahan ng most admired women ng 2016, sa 12% ng mga Amerikano na pinili siya.

Nanguna sila ni Obama sa poll taun-taon simula 2008.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Si First Lady Michelle Obama ang pangalawang pinakahinahangaang babae ngayong 2016, sa 8%. Pasok sa top five ng kababaihan, ngunit malayo ang agwat, sina German Chancellor Angela Merkel, at mga talk-show host na sina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres.