awra-vice-onyok-at-coco-copy

AYON sa post ng Star Cinema people sa Instagram, kumita na ng kalahating bilyong piso o P500 milyon ang The Super Parental Guardians na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin kasama sina Awra at Onyok simula nang ipalabas ito noong katapusan ng Nobyembre.

Sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal, kumita ang The Super Parental Guardians sa opening day ng P75 million nationwide.

Ito ang nakapagtala ng record bilang Filipino film with the highest opening day gross of all time.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang P500M na box office gross income ng TSPG ay mula opening hanggang sa December 24.

Nasa ikaapat na linggong run na ang pelikulang ito at napapanood pa rin sa mga sinehan sa labas ng Metro Manila.

Pawang Metro Manila Film Festival entries ang palabas ngayon sa mga sinehan sa Kamaynilaan. (ADOR SALUTA)