Ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay mariing iniutos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa lahat ng pulis sa bansa na arestuhin ang sinumang magpapaputok ng baril, gayundin ang gagamit ng mga ipinagbabawal o iyong kasing lakas na ng bomba na mga paputok sa bisperas ng Bagong Taon sa Sabado ng gabi.

Batay sa direktiba ni Dela Rosa, ang lahat ng pulis ay kailangang mag-report sa tungkulin sa pagitan ng 5:00 ng hapon ng Disyembre 31 hanggang 5:00 ng umaga ng Enero 1, 2017.

Mahigpit din ang panawagan ng PNP Chief sa mga opisyal ng barangay at sa mamamayan na iwasan ang pagpapaputok ng baril at paggamit ng mga bawal na paputok sa kani-kanilang lugar.

Babala niya, mananagot ang sinumang susuway sa kanyang direktiba, partikular na sa hanay ng mga pulis at mga opisyal ng barangay. (Fer Taboy)

Sen. Robin, sinabing ilang araw nang 'di natutulog si Atty. Medialdea