jessy-copy-copy

TAMA ba ang hula ng followers ni Angel Locsin na patama ni Jessy Mendiola sa idolo nila ang isa sa latest posts nito sa Instagram na sketch lang ng face, naka-wig at ang caption ay, “The Greatest?”

May isyu kasi kay Angel ngayon, nagkaroon daw ng excessive falling hair ang aktres dahil sa pumalpak na hair treatment, kaya nagsusuot ito ng wig.

Lalo pang naniwala ang fans ni Angel na patama ni Jessy ang post sa IG dahil disabled ang comments. Hindi siya maaway ng fans ni Angel dahil naka-switch off nga ang sulatan ng comments.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nagtanggol kay Jessy, picture raw ni Sia sa music video nito ang ipinost ng aktres at title ng latest hit song ang The Greatest. Kaya hindi raw iyon patama kay Angel.

Sagot ng fans ni Angel, bakit itinaon pa ni Jessy ang pagpo-post ng picture habang may hair issue kay Angel? Ang galing raw ng timing ni Jessy.

Anyway, marami ang nagpapayo kay Angel na pangalanan at idemanda ang salon na sumira sa kanyang buhok. May mga nag-i-encourage rin sa kanyang isiwalat sa publiko ang nangyari sa kanya, ito ay kung totoong nasira ang kanyang buhok dahil sa palpak na hair treatment.

But as of today, tahimik pa rin si Angel, kaya hindi alam ang totoo at tunay na nangyari sa kanya at sa kanyang buhok. (NITZ MIRALLES)