maine-at-alden-copy

MAY kopya na ba kayo ng original DVD ng Imagine You & Me na matagal-tagal ding hinintay ng AlDub Nation (ADN)?

Ipinalabas ang first movie together nina Alden Richards at Maine Mendoza noong July 13, at nai-release naman ang original DVD nito lamang December 16. Siniguro kasi ni Direk Mike Tuviera na maganda talaga ang DVD na nilagyan ng subtitles para sa Team Abroad.

Sulit na sulit naman pala ang price na Php450 ng DVD, dahil bukod sa napakalinaw ng copy, tinupad ni Direk Mike ang promise niya sa ADN na may bonus siyang isasama. Kaya kung manonood ka ng DVD nang tuluy-tuloy, uubos ka ng more than six hours, pero hindi mo iyon mapapansin. Almost two hours kasi ang buong movie at may special feature na Director’s Commentary with Alden & Maine.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Muling mapapanood ang buong movie at ikinukuwento ni Direk Mike kung paano ginawa ang eksena, sina Alden at Maine, sinasabi kung sa kilig scene, may tampuhan daw silang dalawa pero nagawa pa rin nila.

Doon sa bahaging nabundol ng car si Maine, tinanong ni Direk Mike ang dalaga, paano kung si Alden ang mamamatay sa eksena? Ang bilis ng sagot ni Maine na, “Hindi p’wedeng mamatay si Alden, hindi ko kakayanin, hindi ko kayang umiyak.”

Ilang takes daw ang hospital scene dahil sa halip na bumaba ang heartbeat ni Maine, mas tumaas pa. At sa finale na may kissing scene, biro ni Direk Mike, ilang beses nilang inulit iyon dahil request ni Alden.

May additional feature din ng behind the scenes photos, may music video ng theme song, may ginawa pang feature na ipinakikita kung paano sila nagtrabaho sa Italy na tulung-tulong sila, including Maine and Alden na magbuhat ng equipment. May feature rin na “The Journey of Imagine You & Me” o kung paano ito nabuo hanggang sa shooting nila sa Como, Italy, kasama sa meeting ang writers, cinematographer at siyempre si Mr. Tony Tuviera. Si Mr. Tuviera ang may gustong sa Como kunan ang movie. Nang first time niyang napuntahan ang lugar, sinabi niya sa sarili na babalikan niya ito at gagawa siya ng isang pelikula. Wala pa noon sina Alden at Maine sa Eat Bulaga.

Congratulations sa GMA Records na siyang nag-release ng copies from APT Entertainment, dahil sa ngayon ay hindi nila makaya ang bulto ng orders ng Astro at Astro Plus para sa fans dito at sa Team Abroad. (Nora Calderon)