MAHIGIT isang buwan na lamang ang ipaghihintay bago ganapin 2017 Miss Universe beauty pageant sa ating bansa.

Inihayag na ni Tourism Secretary Wanda Teo ang schedule of events. 

Ayon kay Secretary Teo, magsisimulang dumating sa bansa ang mga kandidata sa January 12 at official na magsisimula ang pageant activities sa January 15.

“There will be a photo shoot on the 15th in Vigan. On the 16th, there will be a Governors’ Ball at SMX. All the candidates will be there,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa January 17 naman magaganap ang swimsuit competition sa JPark Island Resort sa Cebu, ang isa siyempre sa mga inaabangang activities ng pageant. 

Dahil sa rami ng scenic spots sa bansa, hahatiin ang mga kandidata sa ilang grupo para mas maraming destinasyon ang mapuntahan. 

“Some will be going to Baguio, some will be going to Albay, so medyo hati-hati na ‘yan,” pahayag ni Ms.Teo.

Magtutungo rin ang mga kandidata sa ilang tourist spots sa Batangas at Iloilo. Babalik silang lahat sa Manila sa January 21 para sa Fashion show sa SMX sa Mall of Asia at may isa pang event sa kasunod na araw na may tema na “woman empowerment night”.

May courtesy call sila kay Pangulong Rody Duterte sa January 23 na susundan ng isa pang malaking event sa Conrad Hotel. January 24 magaganap ang National Costume competition sa World Trade Center at sa ngayon ay inaayos pa ang venue at detalye para sa evening gown competition. 

At siyempre pa, ang finale ay ang coronation show sa MOA Arena sa January 30, 2017 8 AM, oras dito sa Pilipinas.

(ADOR SALUTA)