IPINAGDIWANG ni Taylor Swift ang Pasko kasama ang kanyang BFFs na sina Lily Aldridge at Abigail Anderson at hindi nila ikinahiyang ibahagi sa Instagram ang mga larawan na kuha sa kanilang all-star gathering.

Sa isang litrato na ipinost ng Victoria’s Secret Angel, nasa gitna nina Aldridge at Anderson ang 27-anyos na singer sa harap ng isang Christmas Tree. Halatang nag-enjoy si Swift at ipinakita rin ang kanyang signature red lipstick.

“Christmas Smooches,” caption ni Aldridge, 31, sa larawan.

Nag-post din si Anderson, 26, ng mga larawan kasama ang kanyang dalawang matalik na kaibigan sa harap ng mga holiday decoration.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Christmas is all around us,” ani Anderson.

Madalas ipinagdiriwang ni Swift ang holidays kasama ang kanyang mga kaibigan. Ngayong taon, ipinagdiwang niya ang Thanksgiving sa beach kasama sina Lily Donaldson, Martha Hunt, Todrick Hall, at marami pang iba. Mababatid na nasa tahanan sila ni Swift sa Rhode Island, venue ng kanyang squad party na dinaluhan nina Blake Lively, Gigi Hadid, at iba pang mga A-list celebrity nitong unang bahagi ng taon.

Noong nakaraang taon, ipinadiwang ni Swift ang Pasko kasama ang kanyang pamilya sa Vail, Colorado. (People.com)