MELBOURNE, Australia (AP) — Ipinahayag ng Australian Open organizers na itinaas sa kabuuang 50 million Australian dollars ($36.2 million) ang prize money para sa 2017 tennis tournament, kabilang ang $A3.7 million ($2.68 million) sa magkakampeon sa men’s at women’s singles champion.
Umabot sa 14 porsiyento ang itinaasa mula sa dating prize money nitong 2016 kung saan tatanggap ng A$50,000 ($36,220) ang first-round loser sa Open na magsisimula sa Enero 16.
“We are committed to further improving the pay and conditions on the international tennis tour to ensure every professional tennis player is properly compensated,” pahayag ni tournament director Criag Tiley.
Sa kasalukuyan, ang U.S. Open ang may pinakamalaking papremyo sa Grand Slam tournament na umaabot sa kabuuang $46. 3 milyon kung saan mat nakalaang $3.5 milyon sa singles champion.