kris-copy-copy

NAKAUWI na ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby Aquino nitong Pasko, base na rin sa post ng una sa Instagram.

Positive ang medical results ni Kris at pinayagan siya ng kanyang mga doktor na bumalik ng Pilipinas bago ang Disyembre 25.

Kinailangan lang marahil ni Kris ng pahinga sa malamig na lugar para hindi mag-fluctuate ang blood pressure niya na madalas niyang idinaing dahil kahit na hindi naman siya stressed ay biglang umaakyat ng 30 points.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Tayming ang uwi ng mag-iina sa imbitasyon ni Michela Cazzola, girlfriend ng ex-husband ni Kris na si James Yap, sa magkapatid na Josh at Bimby na sa kanila mag-Bagong Taon.

Na-touch si Kris sa kabutihan at kabaitan ni Michela na makatutulong siyempre para patuloy na mapalapit si Bimby sa ama.

Maganda ng pagpasok ng 2017 kay Kris dahil alam namin na isa sa mga bumabagabag sa kanya ang pagkakaroon ng father figure ng mga anak niya at ganoon din ang pagkakaroon nito ng bagong kapatid. Pero heto, ayos na ayos na dahil mismong si Michela ang naglalapit sa magkapatid para mag-bonding at kasama pa si Kuya Josh. Masaya kami para sa nag-iisang Queen of All Media.

Masaya rin si Kris sa resulta ng kanyang digital initiatives dahil lahat ng ipino-post niyang video ay umaabot kaagad sa milyones ang view. (Reggee Bonoan)