Sa kabila ng pananalasa ng bagyong ‘Nina’, hindi pinalampas ng mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ang pagpapatupad ng oil price hike ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw kanina ay nagtaas ito ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina at 25 sentimos naman sa diesel habang walang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas Shell na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa gasolina at diesel, dakong 6:00 ng umaga. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20