Opisyal nang franchise player ng AMA Online Education si Jeron Teng sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants Cup.

Nakipagkasundo ang dating La Salle star at Finals MVP ng isang taong kontrata sa AMA, kinuha siyang top pick sa Rookie Drafting matapos gabayan ang Green Archers sa kampeonato kontra Ateneo sa UAAP ngayong season.

“We thank the Teng family. They are so humble especially Tito Alvin and Tita Susan,” sambit ni AMA coach Mark Herrera.

Kasama niyang lumagda sa kontrata sina AMA owner Amable Aguiluz IV at Amable Aguiluz V, at team manager at AMA senior vice president Arnel Hibo.

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Ang pagkakasama ni Teng ay inaasahang magpapalakas sa kampanya ng AMA na hindi pa nakakatikim ng semifinals sa PBA D-League.

Bukod kay Teng, lumagda rin ng kontrata sa AMA sina University of the Philippines guard Diego Dario at veteran big man Jay-R Taganas.