SA New York nagbabakasyon sina Paolo Contis, LJ Reyes at ang anak ng aktres na siAki ngayong Pasko hanggang Bagong Taon. Dinalaw nila ang mother and sister ni LJ na based na roon. 

Kung hindi kami nagkakamali, second time na ni Paolo na makasama ang pamilya ni LJ dahil minsan na silang nagbakasyon sa New York.

Sa January 2017 pa ang balik sa bansa nina Paolo, Aki at LJ at nagtatanong ang fans ni Paolo na viewers ng Alyas Robin Hood, sa kanyang social media account, kung babalik pa ang karakter ni Paolo sa action series. Bago lumipad papuntang Amerika, matagal nang hindi napapanood si Paolo sa series. May mga importanteng eksena na kailangan siya bilang head ng mga pulis, pero wala siya at ang present ay ang kanyang deputy.

Nagtatanong ang fans ni Paolo kung tsinugi na ba ang karakter niya sa Alyas Robin Hood. Kung inalis na ang karakter niya, bakit daw hindi malinaw ang pagkawala ni Daniel Acosta?

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

May isang sinagot si Paolo na nami-miss na rin siya sa Alyas Robin Hood, pero malabo rin ang sagot niya lalo’t idinaan niya sa biro. Ang mga sumunod na tanong at comments, hindi na niya sinagot.

Extended ang Alyas Robin Hood, pero hindi sinasabi ng production at pati na ng bida ng serye na si Dingdong Dantes ang exact month ng pagtatapos ang action series nila. Ang sabi lang niya, “matagal pa.” Kung magtatagal pa, ang tanong ng fans at viewers ng action series ay kung babalik pa ba ang karakter ni Paolo na si Daniel Acosta.

(Nitz Miralles)