Apat ang nasawi, kabilang ang isang hepe ng pulisya, makaraang rumesponde sa kaguluhang kinasasangkutan ng tatlong magkakapatid sa Barangay Fuente sa Carmen, Cebu, nitong Sabado.

Nagdadalamhati ngayon ang buong puwersa ng Police Regional Office (PRO)-7 sa pagkakapaslang kay Senior Insp. Alexander Nuñez, hepe ng Catmon Police, nitong bisperas ng Pasko.

Bukod sa hepe, napatay din ang magkakapatid na Carlito, Kardo at Camilo Jayson.

Ayon sa pulisya, pauwi na si Nuñez para makasalo ang pamilya sa Noche Buena nang madaanan niya ang isang komosyon sa Bgy. Fuente kaya rumesponde siya ngunit binaril siya ni Carlito.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Gumanti ng putok si Nuñez na ikinamatay ni Carlito.

Nabatid ng mga kapatid ni Carlito na sina Kardo at Camilo at dalawa pang kaanak na sina Carlo Jayson at Jaime Jayson ang sinapit niya at kaagad na pinagtulungang barilin si Nuñez hanggang sa mapatay ito.

Sa hot pursuit operation ng Carmen Municipal Police, napatay naman ng mga pulis sina Kardo at Camilo makaraan umanong manlaban.

Naaresto naman si Carlo habang patuloy pang tinutugis si Jaime.

Itinuturing ni Senior Supt. Eric Noble, director ng Cebu Police Provincial Office (PPO), na bayani si Nuñez kasabay ng pagtiyak na mabibigyan ng ayuda ang pamilya nito. (Fer Taboy)