USO ngang yata ang kasal sa mga artista natin.
Altar bound na rin sina Boom Labrusca at Desiree del Valle dahil namanhikan na si Boom sa pamilya ni Desiree.
Kuwento ni Boom sa kanyang post sa social media, sinamahan siya ng kanyang ina nang hingin niya ang mga kamay ni Desiree sa pamilya nito.
“Namanhikan kaming mag-ina. Pormal kong hiningi ang kamay ni Desiree Louis Dunham na maging Mrs. Labrusca sa harap ng aming mga ina... Darling, ok lang ba sayo na maging Mrs. Labrusca. Sabay hiniram ko ulit ‘yung ring darling borrow muna at sinuot ko ulit. #labruscas #alwaysthankful #thankyoulord #papindarling #sanfo2016,”
May pahabol pa itong post na “Ang tunay na lalake namamanhikan.”
Aliw lang dahil ang daming nag-react sa dagdag na post ni Boom na may kinaalaman sa anak niyang sumali sa Pinoy Boy Band Superstar. Hindi raw niya kinilala ang anak at hindi makikilala kung hindi pa sumali sa contest ng ABS-CBN.
In fairness kay Boom, sinuportahan niya ang anak sa contest at pati nga si Desiree, tumulong sa pagpo-promote kay Tony. Kaya huwag na nating pakialaman ang isyung ‘yun. Maging masaya na lang tayo kina Boom at Desiree at sa kanilang pagpapakasal.
Samantala, nag-post din ni Desiree ng, “Maraming salamat sa mga bumati... still on cloud 9 at nagpapasalamat ako kay Lord that He made my papi come into my life. I was truly surprised...Sobrang saya ko lang... I’m so happy!!!”
(NITZ MIRALLES)