Apollo in the Hamptons 2016: Hosted by Ronald O. Perelman

PAGKATAPOS ng maagang pagdiriwang ng Pasko sa Oklahama, nakabalik na sina Gwen Stefani at Blake Shelton sa California.

 

Ipinagdiwang nila ang Christmas Eve kasama ang pamilya ni Stefani, na nakabase sa Orange County area noong Sabado.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Masayang idinokumento ng No Doubt frontwoman sa Snapchat ang kanilang kasiyahan, kabilang ang kanyang extended family. Dalawa sa pinaka-excited sa okasyon ang kanyang mga anak na lalaki na sina Zuma, 8-anyos, at Apolo, 2-anyos.

Nag-selfie si Stefani kasama ang kanyang anak, habang ipinakikita ng kanyang bunso ang nakuha nitong chocolate-filled candy.

Kasama sa pagdiriwang ng Pasko ng pamilya ang boyfriend ni Stefani na si Shelton. Halos isang taon nang may relasyon ang dalawa, at tila bagay naman si Shelton para maging bahagi ng pamilya ng singer.

Maraming beses nang nakakasama ng pamilya ni Stefani si Shelton, magkakasama rin sila noong Thanksgiving, at ngayong Pasko ay nanguna pa siya sa pagkanta ng acoustic version na Holly Jolly Christmas, na nilagyan ni Blake ng caption na “private show. (ET Online)