VALLETTA, Malta (AP) — Dalawang Libyan hijacker ang lumihis sa domestic flight sa Mediterranean island ng Malta nitong Biyernes upang i-demand ang asylum sa Europe at bumuo ng isang bagong political party bilang pagpupugay ang yumaong diktador na si Moammar Gadhafi, ayon sa opisyal. Makalipas ang ilang oras na negosasyon, naging mapayapa ito at pinalaya ang 117 kataong pasahero at nilisan ang eroplano upang sumuko.

Ang Airbus A320 flight, na pinagagana ng Afriqiyah Airways, ay naglakbay mula Libyan oasis city ng Sabha patungo sa coastal city ng Tripoli nang ito’y lumihis sa Malta at lumapag dakong 11:34 ng umaga.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa