Kulong ang isang bagitong pulis nang tangkain umano nitong arborin ang kanyang kaibigan sa Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Kinasuhan na si PO1 Joblin Geraldo, 36, nang ipagpilitan umano niyang maareglo ang kaso ni Jun Dizon, na naaresto dahil sa ilegal na droga.

Bago arestuhin si Geraldo, dakong 3:00 ng hapon nitong Huwebes, dinakma ng mga operatiba ng Batasan Police Station si Dizon dahil sa dalawang pakete ng hinihinalang shabu sa Eagle Street, Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan.

Makalipas ang 20 minuto, habang nagsasagawa ng inventory ang mga pulis sa barangay hall, dumating si Geraldo at ipinakilala ang kanyang sarili bilang officer sa Rizal Provincial Police Office.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Sinubukan umanong pakiusapan ni Geraldo ang mga pulis na iareglo ang kaso laban kay Dizon at ito’y palayain.

Ngunit siya’y nabigo, at sa halip siya’y inaresto at dinisarmahan ng mga pulis at tuluyang dinala sa PS-6.

Nagpositibo rin umano sa drug test sina Geraldo at Dizon at kapwa nahaharap sa kaukulang kaso.

(Vanne Elaine P. Terrazola at Jun Fabon)