VICTORIA, Tarlac – Limang katao ang grabeng nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Victoria-Gerona Road sa Barangay San Andres sa bayang ito, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni PO3 Sonny Abalos ang mga nasugatan na sina Leonora Gamurot, 29, may asawa, driver ng Honda Wave 100 motorcycle (CR-7645); Gerald Gamurot, 9; at Kim Gamurot, 8, ng Bgy. San Andres, Victoria.

Sugatan din sa panig ng Yamaha Mio na walang plaka ang driver nitong si Grace Ramilo, 37, may asawa, vendor, ng Bgy. Manggang Marikit, Guimba, Nueva Ecija; at angkas na si Amy Gadia, 37, dalaga, ng Bgy. Andres, Victoria, Tarlac.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog