Tatlo ang sugatan kabilang sa isang sagupaan sa isang Muslim community nitong Biyernes ng hapon sa Quezon City.
Inaresto rin ng mga pulis ang isang army officer at isa pang pulis sa insidente.
Sinabi kahapon ng Quezon City Police District (QCPD) na may nangyaring shootout sa Basilan Street, Salaam Muslim Compound sa Barangay Culiat, dakong 12:30 ng hapon.
Kinilala ang mga napatay na sina Abdushakur Bawaduli, alyas “Tang”, 31, at Benjie Katol, 24.
Sugatan naman sina Thong Jadid Galmak, Dimar Adjah, gayundin sina PO3 Nelson Abejo Jr. ng QCPD-SWAT na rumesponde sa insidente.
Samantala, dinampot naman ng mga pulis si Ardulkadil Usman, 52, staff sergeant ng Philippine Army; ang kanyang anak PO1 Rahib Usman, 32, nakatalaga sa Caloocan City Police Station, at kanilang mga kasabwat na sina Thong Kusain at Maguid Pasandalan.
Sa press briefing kahapon, sinabi ni QCPD chief Chief Supt. Guillermo Eleazar na nagsimula ang engkuwentro nang barilin nina Usmans, Kusain, Pasandalan at Katol si Bawaduli.
Isang saksi ang nakapagsabi na nang iwasan ni Bawaduli ang mga bala, nagtungo sa balkonahe ang nakatatandang Usman at mula doon ay pinaputukan ang Basilan Street.
Namatay si Bawaduli sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng QCPD-SWAT at Talipapa Police Station sa pinangyarihan kung saan nakilala nila ang grupo ni Usman at nagkabarilan.
Nabaril sa ulo si Katol na naging sanhi ng kanyang pagkamatay habang nabaril naman si Abejo sa leeg at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Samantala, naka-confine naman ngayon sina Galmak at Jamiri nang aksidenteng matamaan ng bala sa insidente.
(Vanne Elaine P. Terrazola)