drake-at-j-lo-copy

KUMAKALAT ang romance rumor sa pagitan nina Drake at Jennifer Lopez nitong unang bahagi ng linggo nang mamataan dalawang beses ang rapper sa Vegas show ni Lopez, ngunit inilahad ng source na malapit sa dalawa sa People na magkaibigan lamang sila sa kasalukuyan.

“They seem to really like and respect each other, but it’s early,” saad ng source. “Where it goes, we shall see.

Friends of them both are hoping it becomes something, but it’s too early to say more than that.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa ngayon, sinasabi na nagtatrabaho ng bagong kanta ang dalawa – na namataan din na dumalo sa pareho party sa L.A. hotspot Delilah noong Lunes ng gabi.

“They’re making beautiful music together,” ani source. “They are spending a lot of time together and really enjoying each other, but right now it’s about the music.”

Noong nakaraang linggo, nagbahagi si Lopez, 47-anyos, ng cute selfie kasama si Drake, 30-anyos, sa kanyang Instagram account makaraang dumalo si Drake sa show ng singer sa Planet Hollywood. “Look who rolled up to my show tonight to say hi!!” caption niya sa litrato.

Huling naiugnay si Drake sa kanyang matagal na kaibigan na si Rihanna, habang si Lopez ay kakahiwalay lang kay Casper Smart nitong unang bahagi ng taon.

Hindi naman nagbigay ng kahit anong komento ang kinatawan ni Drake tungkol dito. (People.com)