Kinilala si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘most googled personality’ sa Pilipinas, ayon sa report na inilabas kahapon ng Time Magazine.

Iniugnay ng magazine ang naturang resulta sa kontrobersiyal na giyera ni Duterte kontra droga na inilunsad noong Hulyo 1, na inulan ng napakaraming batikos mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Bukod kay Duterte, kabilang din sa listahan ang ilan sa mga kontrobersiyal na pulitiko gaya ni US President-elect Donald Trump, na kapapanalo lang sa nakaraang eleksiyon sa Amerika. Nakuha ni Trump ang unang puwesto sa google searches sa 88 bansa.

Napabilang din sa listahan ang dating head of state ng Brazil na si Lula da Silva, na isinakdal dahil sa umano’y salang kurapsiyon at money laundering, at ang nadiskuwalipikang presidential candidate ng Peru na si Julio Guzman.

National

Mga nagpakalat ng fake news tungkol sa 'petisyon,' lagot sa Korte Suprema!

Hindi rin naman nagpahuli at kinilala ring most googled ngayong 2016 ang ilan sa tanyag at premyadong Hollywood celebritiesn gaya nina Leonardo DiCarpio, na nakuha ang unang spot sa Morocco; si Angelina Jolie naman sa Tunisia, at ang supermodel na si Gigi Hadid ang nanguna sa Montenegro. (Margarett Tumale)