BONTOC, Mountain Province – Sa halip na kasiyahan ngayong Pasko ay kalungkutan ang nadarama ng pamilya ng isang dalagita na nalunod sa ilog sa bayang ito.

Sa ulat ng Mountain Province Police Provincial Office, itinawag sa pulisya ng concerned citizen ang pagkalunod ni Carla Morelle Ortega Mawat, 14, tubong Talubin, Bontoc at nakatira sa Itogon, Benguet.

Sa imbestigasyon, dakong 2:15 ng hapon nitong Huwebes at kasama ng dalagita ang kanyang pamilya na dumalo sa isang kasalan ng kamag-anak at pagkatapos ay sinundan ng biktima ang isang kasamahan na tumawid sa ilog, ngunit inanod siya. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon