Malugod na ibinalita kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit paano’y bumilis na ang biyahe sa EDSA sa kabila ng matinding problema sa trapiko lalo na’t Pasko na bukas.
Sa datos ng MMDA nitong Disyembre 22, ang biyahe mula Roxas Boulevard hanggang Monumento at pabalik ay umabot ng isang oras at sampung minuto, 28 minutong mas mabilis kumpara noong 2015.
Napag-alaman din na tumaas sa 5.63 kilometro ang bilis ng biyahe kada oras mula sa dating 13.91kph noong Disyembre 22, 2015.
Ayon pa sa ahensiya, mas mataas ngayon ang volume (3.3%) ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA kumpara noong nakaraang taon, na umabot sa 357,529 lamang.
Ipinagmalaki ng MMDA na kahit “Christmas rush”, mas mabilis ang biyahe ng mga motorista ngayong taon dahil sa mga programang ipinatutupad ng ahensiya, gaya ng number coding scheme, no window hours policy, motorcycle lane policy, at nose in and nose out. (Bella Gamotea)