CAMILING, Tarlac - Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang dalawang hinihinalang tulak matapos malambat sa buy-bust operation sa Bonifacio Street, Barangay Poblacion F sa bayang ito, Huwebes ng hapon.

Sa ulat kay Chief Insp. Rustico Ablan Raposas, OIC ng Camiling Police, naaresto sina Ruby Martin, 25, dalaga, ng Purok Amianan, Bgy. Bobon 1st; at Benny Bautista, 22, ng Bayambang, Pangasinan, na sinasabing nasa drug watchlist ng Camiling.

Nakuha sa dalawa ang isang transparent plastic sachet na may hindi pa matiyak na gramo ng shabu at P500 marked money. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog